Music

KALAPASTANGAN BY FITTERKARMA

[Verse 1]
Oras nang sambahin ang ngalan mo
Para mabuhay habambuhay sa puso’t isipan mo
Sino ba ako para mapansin mo
Mga dalangin ko sa’yo sana’y pakinggan mo

[Verse 2]
Pa’no ba ako magiging ‘sang santo?
Para makasama kita diyan sa tabi ng trono mo

Ilan pa’ng pagsubok ang daraanan ko?
Bago ako makaranas ng mga milagro mo

[Bridge]
O ang langit ay nandito lamang pala sa lupa
At ang impyerno ay nasa isipan ko at pinalimot ng iyong ganda

Umaawit ang mga anghel
Umaawit ang mga anghel
Nagdiriwang sila nang makasama kita
Huwag ka sanang mawawala

[Verse 3]
Mamamatay akong nakangiti
Kapag ikaw ang nasa aking tabi
Mabubuhay akong nagsisisi
Kapag isang araw hindi kita mapapangiti
Kalapastangan ang ‘di ka ibigin
Kalokohan ang ‘di ka isipin
Kung ang mundo ay biglang gugunawin
Ikaw ang una kong hahanapin

SAGIP BY JAN ROBERTS

Handa ‘kong manatili hanggang sa ‘yong pagkalma
Magsisilbing lakas mo tuwing nanghihina ka
Patatahanin kita kapag may problema ka
Dadamayan ka sa lahat, aking sinta
Kahit ga’no man kalalim
Ay akin ‘yang lalanguyin
Kahit ga’no man kalalim
Ay akin ‘yang lalanguyin
Sasagipin kita, sasagipin kita
Sasagipin, sasagipin kita
Handa ‘kong manatili hanggang sa ‘yong pagkalma (ooh)
Magsisilbing lakas mo tuwing nanghihina ka (nanghihina ka)
Patatahanin kita kapag may problema ka
Dadamayan ka sa lahat, aking sinta
Kahit ga’no man kalalim
Ay akin ‘yang lalanguyin
Kahit ga’no man kalalim
Ay akin ‘yang lalanguyin
Sasagipin kita (sasagipin, sasagipin), sasagipin kita (sasagipin, sasagipin)
Sasagipin, sasagipin kita
Handa ‘kong manatili hanggang sa ‘yong pagkalma
Magsisilbing lakas mo tuwing nanghihina ka
Patatahanin kita kapag may problema ka
Gagabayan ka sa lahat, mahal kita

BACK TO FAVORITES